Father Arnel Lagarejos ng Taytay,Rizal arestado matapos ipareserba ang isang 13 taong gulang na batang babae sa Motel! - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Friday, August 4, 2017

Father Arnel Lagarejos ng Taytay,Rizal arestado matapos ipareserba ang isang 13 taong gulang na batang babae sa Motel!


Father Arnel Lagarejos ng Taytay, arestado matapos ipareserba ang isang 13 taong gulang na batang babae sa Motel!

Si Msgr. Arnel Lagarejos, 55 taong gulang, parish priest ng Parish of St. John the Baptist sa Taytay, Rizal ay naaresto matapos ipareserba ang isang 13 taong gulang na babae sa isang Motel para makipagsex dito.








Sa pahayag ng mga opisyal ng barangay at ng biktima, sinabi ni Roger Quesada, Hepe ng Marikina City Police Station na ang pari ay ipinareserba ang 13 taong gulang na babae ng dalawang beses bago ito nagtungo sa Motel sa Sumulong Highway gamit ang grey sport utility na sasakyan nang harangan ito ng koponan ng pulis kasama ng mga miyembro ng Department of Social Welfare and Development.


Sinabi ni Quesada na nakita nito si Lagarejos na binigyan ng P500 ang isang 16 taong gulang na bugaw sa loob mismo ng kanyang sasakyan pagtapos ay bumaba at iniwang nag-iisa ang batang babae sa sasakyan kasama ang pari.
Si Msgr. Arnel Lagarejos na nasa ilalim ng Diocese of Antipolo ay inalis ang lahat ng kanyang tungkulin sa parokya kasama na ang pagkapangulo sa Cainta Catholic College (CCC).


Ang nasabing pag-aresto ay batay mismo sa reklamo ng ina ng biktima na nakabasa ng kanilang conversation sa Messenger ayon sa pulisya.


Samantala, nailabas na nuong Martes ng hapon ang pari sa pagbabayad ng piyansang nagkakahalaga ng P120,000 ayon kay Chief Supt. Romulo Sapitula, direktor ng Eastern Police District.

No comments:

Post a Comment