RISA HONTIVEROS, PAIIMBESTIGAHAN ANG OZAMIZ RAID! - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Wednesday, August 2, 2017

RISA HONTIVEROS, PAIIMBESTIGAHAN ANG OZAMIZ RAID!






Nananawagan si Senador Risa Hontiveros sa kanyang mga kapwa Senador na maglunsad ng isang "fair and independent" probe kaugnay sa nangyaring police raid sa Ozamiz City na naging dahilan ng pagkamatay ni Mayor Reynaldo Parojinog Sr. at 15 pa nitong kasama.


Aniya, nananawagan ako sa aking mga kapwa Senador magkaroon ng isang "fair and independent" na pagsisiyasat upang malaman ang katotohanan sa likod ng madugong insidente sa Ozamiz raid.

Dagdag pa niya, kung may posibilidad mang ngang totoo ang claim na sangkot sa bawal na gamot ang pamilya Parojinog, hindi ito dahilan upang balewalahin na lamang ang mga patakaran sa batas.

Sinabi pa ng Senadora na mayroon ding seryosong akusasyon sa mga kapulisan ng Ozamiz na nagpapatunay na ang nangyaring operasyon ay isang “state of sanctioned massacre.”








No comments:

Post a Comment