8 PATAY DAHIL SA PAGSE-SELFIE SA BANGKA! - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Sunday, October 29, 2017

8 PATAY DAHIL SA PAGSE-SELFIE SA BANGKA!





Patay ang walong katao habang lima ang nakaligtas sa tumaob na sinasakyang bangka sa Laguna de Bay sakop ng Binangonan, Rizal nitong linggo ng hapon.


Photo Source: ABS-CBN

Kabilang sa mga nasawi si Jianna Jenzen Fariño, 2, at si Sean Wilfred Orteza, 9.

Bukod sa dalawang bata, kinilala rin ng mga otoridad ang iba pang mga nasawi na sina: Malou Candol, 39, Marilou Papa, 44, Rolino Fariño Jr., Weldy Orteza, 6, Frederick Orteza, 43, at Dimareth Mendoza.

Ayon sa pulisya, papunta umano ang mga biktima sa isang fish pen upang doon gunitain ang birthday ng isa nilang kaibigan nang mangyari ang insidente. 

Kwento ng isang nakaligtas, nagse-selfie raw ang ilan sa kanyang mga kasama sa gilid ng bangka ng bigla na lamang itong tumaob.

Samantala, patuloy parin ang rescue operation ng Philippine Coast Guard at Binangonan Rescue sa pinangyarihan ng insidente.




No comments:

Post a Comment