BREAKING NEWS: 4 NA CHINESE NATIONALS ARESTADO SA KASONG ILEGAL NA PAGMIMINA SA CAMARINES NORTE! - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Saturday, October 28, 2017

BREAKING NEWS: 4 NA CHINESE NATIONALS ARESTADO SA KASONG ILEGAL NA PAGMIMINA SA CAMARINES NORTE!





Apat na Chinese nationals arestado sa kasong ilegal na pagmimina sa bayan ng Paracale, Camarines Norte Biyernes.

Hindi lang kaso ng ilegal na pagmimina ang hinaharap ng mga dayuhang Tsino, kundi pati paggamit umano ng mga ilegal na pampasabog.

Kinilala naman ang mga suspek na sina Han Bing, Zhang Ming, Wang Han-Qing at Sun Yu.

"Ang pakilala nila tourists pero sila ang operators ng minahan, ni wala silang ipinakitang passport, kahit anong document," ani ni Attorney Marvin Matamis ng National Bureau of Investigation.

Sa katunayan, nasa mahigit 100 dinamita at kagamitan sa paggawa nito ang nakuha sa isang kwarto sa gusali.

Pag-aari naman ng Golden River Mining Corp. ang minahan at ang permiso ay nakabinbin sa Mines and Geosciences Bureau.

Pero hindi umano tauhan ng kumpanya ang apat na tumanggi nang magbigay ng kanilang panig.

Matapos ang pangyayari, isinara na ang minahan at nasa kustodiya na ito ng Punong Barangay na si Rodolfo Laguador.



No comments:

Post a Comment