BREAKING NEWS: Japan visit ni Pangulong Duterte, tatalakayin ang mga isyung pangkapayapaan! - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Sunday, October 29, 2017

BREAKING NEWS: Japan visit ni Pangulong Duterte, tatalakayin ang mga isyung pangkapayapaan!





Japanese Prime Minister Shinzo Abe (LEFT); Philippine President Rodrigo Duterte (RIGHT)


Ito na ang  pangalawang beses na bibisita si Pangulong Duterte sa Japan.

Nakatakdang itong umalis ngayong Linggo ng gabi, para sa dalawang araw na official visit na inaasahang lalong magpapalakas sa ugnayan ng dalawang bansa.

Sa Lunes, Oktubre 30, naman nakatakdang lalapag ang eroplanong sinakyan ng Pangulo sa Haneda Airport sa Tokyo, Japan.

Makikipagkita ang Pangulo kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe, na nanalo sa katatapos lang na halalan.

Sa pagbisita naman ng Pangulo, dito rin inaasahan na kabilang sa mga matatalakay ay ang mga isyung pangkapayapaan sa rehiyon, partikular na ang sa tensiyon sa Korean peninsula.

Makikipagpulong din ang Pangulo sa mga foreign minister ng Japan, mga opisyal ng Japan International Cooperation Agency, at mga mambabatas.






No comments:

Post a Comment