Duterte, ipinaliwanag sa mga bata kung bakit madalas siyang makitang galit sa TV! - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Saturday, October 28, 2017

Duterte, ipinaliwanag sa mga bata kung bakit madalas siyang makitang galit sa TV!





Nakaharap ni Pangulong Rodrigo Duterte nuong Biyernes ang mga preschoolers sa Center for Brighter Beginnings Inc (CBB), isang pioneering center specializing in Early Childhood Education sa Davao City.

via Rappler

Sa pakikipag-usap sa mga inosente ngunit matatalinong mga tagapakinig, pinili ng Pangulo ang tamang mga salita upang makipag-usap sa mga ito. Sinabi ni Pangulong Duterte sa mga bata na maging mabait at huwag bigyan ng problema ang kanilang mga magulang.

dailycrusadernewsdotcom.files.wordpress.com

Ipinaliwanag din niya sa mga bata kung bakit siya ay madalas nakikitang galit sa TV, “Alam mo anak, alam mo bakit minsan nakikita ninyo ako nagagalit sa TV? Kasi yung mga bad people, ayaw ko sila dito sa mundong ito. Kaya gusto ko silang mawala para wala ng gugulo sa buhay ninyo.”

Ipinaliwanag din ng Pangulo na ginagawa niya ito upang lumikha ng isang mas mahusay na lugar para sa hinaharap ng mga bata, “At pag lumaki na kayo kagaya ng mama mo pati papa, ang buhay ninyo ay hindi masyadong problem. Walang gulo, walang mag-snatch, walang mag-kidnap.”

Si Duterte ay nagpaliwanag rin sa mga bata kung bakit ang mga kritiko ay karaniwan siyang tinatawag bilang "bad-boy" dahil umano sa pananakit at pagpapadala ng masasamang tao sa langit, “Sabi ng iba, bad boy daw ako kasi sinasaktan ko daw yung mga taong masama at minsan sabi nila, pinapadala ko sila sa heaven, mauna na sila sa atin kaya ganun,” dagdag pa niya.


At para sa mga magulang ng mga bata, pinaalalahanan sila ng Pangulo na 'wag nilang idadawit ang mga anak sa bawal na gamot.

No comments:

Post a Comment