GOOD NEWS: 10 YEARS PASSPORT VALIDITY, NILAGDAAN NA NI PRES. DUTERTE! - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Saturday, October 28, 2017

GOOD NEWS: 10 YEARS PASSPORT VALIDITY, NILAGDAAN NA NI PRES. DUTERTE!




Magsisimula na sa Enero 1, 2018 ang pag-iisyu ng mga pasaporteng may sampung (10) taong bisa. 




Ito ay matapos maglabas ang Department of Foreign Affairs (DFA) noong Huwebes, Oktubre 26, ng implementing rules and regulations para sa batas na nagpapalawig sa bisa o validity ng mga passport.

Base sa nilagdaan ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na separtment order, ibibigay ang mga pasaporte sa mga nag-aaply pa lamang sa unang pagkakataon, nagre-renew maging sa mga kumukuha ng replacement.

Nakasaad sa order na limang (5) taon lamang ang validity ng passport para sa mga menor de edad.

Mananatili pa rin aniyang P950.00 ang bayad sa pagkuha ng passport ayon sa Palasyo. 

Ang pagpapalawig sa bisa ng mga passport hanggang sampung taon mula sa limang taon ay nilagdaan ni Pangulong Duterte nitong Agosto 2, ang R.A. No. 10928.





Source Link


No comments:

Post a Comment