TRENDING: BABAENG TAGA-DAVAO CITY NA MAY NAPAKAHABANG PANGALAN! - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Saturday, October 28, 2017

TRENDING: BABAENG TAGA-DAVAO CITY NA MAY NAPAKAHABANG PANGALAN!






Kilalanin si Tsianina Levounne Amberly Reese Heather Margaret Barcelona Mendoza ang babaeng may napakahabang pangalan.

Trending ngayon sa social media ang Senior High School student na ito ng University of Mindanao matapos i-post ng isang guro ang kanyang school ID na nagpapatunay na siya ang may pinakamahabang pangalan sa kanilang paaralan.

Sa katunayan, umabot na sa mahigit 1,000 shares ang trending post na ito.

Laking Don Carlos, Bukidnon si Tsianina at nag-aaral ngayon sa Davao City.

Siya ang nag-iisang anak ng mag-asawang sina Rey Anthony Mendoza at Dzejla Austin Claire Mendoza.

Ayon naman kay  Tsianina, ang ina niya ang nagbigay ng kanyang pangalan sa kanya at ito daw ay may mga kahulugan. Ang Tsianina hango sa paboritong Hollywood Actress ng kanyang ina, ang Margaret hango sa pangalan ng isang Royal Princess, ang Reese mula sa paboritong chocolate ng kanyang ina at ang Levounne Amberly at Heather kinuha sa mga pangalan mula sa napanood na pelikula ng kanyang ina.

Noong maliit pa daw si Tsianina, aminado itong hirap siya sa pagsulat dahil sa haba ng kanyang pangalan kaya tuwing mayroon silang pagsusulit, ang huling pangalan niya na Margaret lang ang kanyang isinusulat.

Pero noong nasa high school na siya, ang Tsianina naman ang kanyang ginamit.

Ayon sa kanya, nasanay na rin sya sa kanyang pangalan at hindi niya inakalang ito pa ang magdadala sa kaniya sa kasikatan.





No comments:

Post a Comment