VIRAL: ISANG SECURITY GUARD, INAALAGAAN ANG PRE-MATURED NA ANAK HABANG NAKA-DUTY - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Sunday, October 29, 2017

VIRAL: ISANG SECURITY GUARD, INAALAGAAN ANG PRE-MATURED NA ANAK HABANG NAKA-DUTY




Viral ngayon sa social media ang isang security guard kung saan makikitang inaalagaan niya ang kanyang anak habang ito ay naka-duty.



Isang nagngangalang Jeff Magno ang nagbahagi ng mga larawan ng isang security guard na nagtatrabaho sa Cebuana Lhuiller (Pacita Laguna Branch) ang umantig sa bawat puso ng mga netizens. Makikitang inaalagaan niya ang kanyang anak habang siya ay naka duty.

Ang sumusunod ay isang sipi ng post ni Magno:

“Tinanong ko si manong guard kung may sakit ba yung anak nya, ang sabi nya saakin pinanganak kasing pre-matured ang anak nya kaya matamlay ito.” 

“Nabilib lang ako sa kanya dahil sinisikap nyang pagsabayin ang kanyang trabaho at pag-aalaga sa kanyang anak. Saludo ako sayo manong guard napakabuti mong ama!” 

Gumamit siya ng hashtags "#Salute" at "#SpreadLove" bilang pagpapakita ng kanyang paghanga sa Security guard. 



Ngayon ay umabot na sa 50k reactions, 10,846 shares at 6.4k comments ang kanyang post sa kanyang facebook account.


No comments:

Post a Comment