YOLANDA SURVIVORS, NAGPASALAMAT KAY PANGULONG DUTERTE! - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Saturday, October 28, 2017

YOLANDA SURVIVORS, NAGPASALAMAT KAY PANGULONG DUTERTE!




Umabot na sa 12,545 housing units ang nakumpleto sa ilalim ng Duterte Administration na titirhan ng mga biktima ng Yolanda sa Tacloban City.




Sa isang liham para kay Pangulong Rodrigo Duterte, pinasalamatan ni Tacloban City Mayor Cristina Gonzales-Romualdez ang mabilis na aksyon ng Pangulo para magkabahay ang higit labing isang libong pamilya na nawalan ng tirahan dahil sa bagyong Yolanda. 


Pinapurihan din ng Alkalde ang naging papel ni Office of the Presidential Assistance for Visayas Michael Diño upang mapabilis ang rehabilitation efforts sa kanilang lugar. 

Pinasalamatan rin ni Rumualdez ang Department Works and Highways sa mabilis na pagtatayo ng mga water services sa relocation sites. 

Matatandaan na noong 2013 ay tinamaan ang Tacloban ng matinding hagupit ng bagyong Yolanda na itinuturing na pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan ng bansa.

No comments:

Post a Comment