ABS-CBN Journalist Chiara Zambrano: "Hindi namin trabaho ang pabanguhin ang imahe ng Gobyerno" - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Sunday, November 12, 2017

ABS-CBN Journalist Chiara Zambrano: "Hindi namin trabaho ang pabanguhin ang imahe ng Gobyerno"


Dahil sa plano ng pamahalaan na kontrolin ang pamamahayag sa bansa ay umalma ang ABS-CBN reporter na si Chiara Zambrano. Ito ay dahil din sa request ng PCOO Assistant Secretary Mocha Uson na ilagay na lamang sa kanyang pamamahala ang isa sa mga online news website na Rappler at wag na sa Malacañang Press Corps.

Kamakailan lang, naging viral ang kanyang FB post na nagsasabing hindi nman daw trabaho ng mga lehitimong mamahayag na kagaya niya ang pabanguhin ang imahe ng ng Gobyerno o sakyan ang kanilang mga propaganda.





“Bilang mga lehitimong mamamahayag, hindi namin trabaho ang pabanguhin ang imahe ng gobyerno, o ipakalat ang gusto mong propaganda, o ipromote ang trip mo,” sad ni Zambrano.




Giit pa niya, tungkulin nila na maging mapagmatiyag sa mga kilos ng pamahalaan at ng mga pangyayari sa lipunan.

Dagdag pa niya, ginagamit lang daw si Mocha Uson ng akinarya ng pamahalaan na layuning patahimikin ang mga journalists.

“Hindi ito kagagawan ni Mocha. Hindi siya ganyan magsulat. Ang nakikita natin ngayon ay ang kanilang makinaryang gumagalaw,"

Narito ang buong Facebook Post ni Chiara Zambrano:

“Mga bata, ganito ang itsura kapag sinusubukang kontrolin ng pamahalaan ang mga kilos at galaw ng mga lehitimong mamamahayag.

Nakakainis nga naman siguro pag kinokontra ka palagi, pag hindi kinakagat ang mga alok mong propaganda, at binabasag lagi ang iyong trip. Eto lang po kasi ang problema: bilang mga lehitimong mamamahayag, hindi namin trabaho ang pabanguhin ang imahe ng gobyerno, o ipakalat ang gusto mong propaganda, o ipromote ang trip mo. Ang trabaho naming lahat, hindi lang ng Rappler, ay walang humpay na pagmamatyag sa mga kilos ng pamahalaan at pangyayari sa lipunan. Ilabas kung ano ang mali, sino ang mali, ipaliwanag kung bakit. Ipagbunyi ang gumagawa ng tama, para pamarisan. Ilatag lahat sa taongbayan, para sa oras na kailangan niyong pumanig, tumindig, magdesisyon, kabisado na ninyo at kaya na ninyong panindigan ang sarili ninyong desisyon.

Hindi ito kagagawan ni Mocha. Hindi siya ganyan magsulat. Ang nakikita natin ngayon ay ang kanilang makinaryang gumagalaw. Hindi rin nila ito pwedeng maliitin at palabasing “housekeeping” measure lang, kasi wala naman sa ating pinanganak kahapon. Ito talaga ay tangkang busalan ang isang lehitimong grupo ng mga mamamahayag.

Kaso, bukod sa medyo palyado yung logic at premise ng buong kilos na ito, hindi po talaga pwede yun eh.

“No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press…”

Hindi ko yan inimbento, merong tinatawag na 1987 Philippine Constitution, kung saan naka-base, nakatuntong, at umiikot ang lahat ng ating mga batas.”










No comments:

Post a Comment