Archbishop Socrates Villegas: “Walang gobyernong forever. Walang politikong forever. God lang ang forever.” - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Sunday, November 5, 2017

Archbishop Socrates Villegas: “Walang gobyernong forever. Walang politikong forever. God lang ang forever.”




Pinangunahan ni Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang misa kaninang hapon, Nobyembre 5, sa pagsisimula ng ‘Lord Heal Our Land Mass’ sa EDSA Shrine.



Ang misa ay bahagi ng panawagan ng Simbahang Katolika na simulan na ang ‘healing’ o pagpapagaling muli ng bayan mula sa gabi-gabing patayan na nagaganap sa ating bansa.

Panawagan ni Villegas, dapat nang magbalik-loob ang lahat sa Panginoon matapos itong maligaw ng landas.



Dagdag pa ni Villegas, may karampatang sumpang parusa ang bayan na pumapatay sa sariling mga kababayan.

Nanawagan rin si Villegas sa mga opisyal ng gobyerno at maging sa oposisyon na magbalik-loob na sa Panginoon at ihinto na ang mapanirang uri ng pulitika.






Ang kapangyarihan aniya ay nakaatas sa taumbayan at hindi sa may hawak ng kapangyarihan.

Giit pa nito, “Walang gobyernong forever. Walang politikong forever. God lang ang forever.”

Samantala nanawagan naman ang Arsobispo sa mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot na magbagong-buhay na hangga’t may panahon pa.

Source

No comments:

Post a Comment