Bagon ng MRT, KUMALAS! Mga pasahero, napilitang MAGLAKAD! - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Thursday, November 16, 2017

Bagon ng MRT, KUMALAS! Mga pasahero, napilitang MAGLAKAD!


Naantala ang ilang biyahe ng Metro Rail Transit-3  matapos kumalas ang huling bagon mula sa unang dalawang bagon na kadugtong dito sa pagitan ng Buendia at Ayala stations.

Ito ang naging dahilan kaya halos 30 minuto na ipinatupad ang limitadong operasyon ng MRT Huwebes ng umaga.
Sa Facebook post ng isa sa mga pasahero ng MRT na si Ivan Caballero Villegas, sakay siya kasama ang iba pang pasahero sa huling bagon ng tren, maayos itong umaandar nang bigla na lamang humiwalay ang kanilang bagon sa dalawang nauunang MRT coaches.
Naiwan ang sinasakyan nilang bagon sa riles habang patuloy na umandar patungong Ayala stations ang tren na dadalawa na lang ang bagon.
Sa video ni Villegas siya at ang mga kapwa pasahero ay napilitang bumaba ng coach at saka naglakad sa riles patungong Ayala.


Ayon sa Department of Transportation (DOTr) nasa 130 hanggang 140 ang mga pasaherong naapektuhan.
Sinabi ng DOTr na wala namang nasaktan o nasugatang pasahero sa nasabing insidente.

No comments:

Post a Comment