BREAKING NEWS: Maling baybay ng 'Philppines,' na sasalubong sa mga ASEAN Delegates, PINABAKLAS! - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Saturday, November 11, 2017

BREAKING NEWS: Maling baybay ng 'Philppines,' na sasalubong sa mga ASEAN Delegates, PINABAKLAS!





Sa isang tarpaulin na makikitang nakasabit sa Maynila na may nakasaad na pagbati na: "WELCOME to the Philppines! ASEAN Delegates."

Kapansin-pansin na kulang ng "i" ang Philippines.

Pinag-usapan sa social media ang tarpaulin ng ASEAN Summit  at inalis na ang mga ito dahil hindi umano sumunod ang mga ito sa inaprubahang panuntunan,  ayon sa ASEAN 2017 National Organizing Committee (NOC).

"The exact tarpaulins or billboards pinned in areas leading to the Mall of Asia Complex did not conform to the approved final artwork," saad sa pahayag ng NOC na binasa ni Presidential Communications Assistant Secretary Kris Ablan sa isang briefing sa ASEAN International Media Center sa Pasay City nitong Biyernes.

"We are currently investigating the circumstances surrounding the distribution and display of the subject tarpaulins or billboards," sabi pa ng opisyal.

Sa kabilang dako, inako rin umano ng Department of the Interior and Local Government-National Capital Region ang responsibilidad sa naturang posters na may maling baybay ng Philippines. 





No comments:

Post a Comment