BREAKING NEWS: Roque inaaasan ng Centerlaw na mananaliti ang paninindigang ipaglaban ang karapatang pantao - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Wednesday, November 1, 2017

BREAKING NEWS: Roque inaaasan ng Centerlaw na mananaliti ang paninindigang ipaglaban ang karapatang pantao






Kilalang human rights lawyer at kritiko ng gobyerno, at ngayon ay tagapagsalita na ang kongresistang si Harry Roque ng isang gobyernong inaakusahan ng human rights violations.

15 taong nagturo ng constitutional law at public international law sa University of the Philippines College of Law si Roque bago ito mahalal sa Kongreso bilang kinatawan ng Kabayan party-list.

Siya ang founder ng "Centerlaw", isang human rights advocacy group na kauna-unahang kumuwestiyon sa "Oplan Tokhang" ng gobyerno sa Korte Suprema at naghain ng "petition for writ of amparo" para protektahan ang mga taga-San Andres Bukid sa Maynila sa serye ng patayan.

Ikinagulat at ikinadismaya naman ng kaniyang mga kasamahan sa human rights community ang pagkakahirang niya bilang presidential spokesperson.

Hinimok na ng international human rights groups na Bertha Justice Network na pag-isipang mabuti ni Roque ang pagtanggap sa alok na maging spokesperson bago pa man opisyal na ianunsiyo ng Pangulo.

Ayon sa ng pahayag ng Bertha Justice Network: "... We strive to bring about a more just world and human rights for all. This vision is incompatible with working for 
Duterte, who embodies everything we and our partners struggle against." 

Gayunpaman, ipanaliwanag naman ni Roque na hindi siya naniniwala na may nilalabag na human rights ang Pangulo. 

Ani nito, minsan nang sinabi ng Pangulo na susuportahan niya lang ang mga pulis kung legal ang engkuwentro nila sa mga kriminal, at kung hindi ay ipakukulong niya ang lumabag na pulis.

Sa kabila nito, sinabi naman ng Centerlaw sa isang pahayag na umaasa silang mananatili pa rin ang paninidigan ni Roque na ipaglaban ang karapatang pantao.


Ayon sa Pahayag ng Centerlaw: "As he undertakes a new and challenging endeavor as presidential spokesperson, we trust that he will be imbued with the same commitment to human rights as he has espoused in his years at Centerlaw."


Read more....

No comments:

Post a Comment