DUTERTE, PINATAOB SINA PNOY, ERAP AT GLORIA SA KANYANG NAPAKATAAS NA RATING! - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Sunday, November 12, 2017

DUTERTE, PINATAOB SINA PNOY, ERAP AT GLORIA SA KANYANG NAPAKATAAS NA RATING!





Nakikita at ramdam na ng taong-bayan ang pagsisikap na pagbabago sa pamahalaan ng administrasyong Duterte.



Ito ang naging pahayag ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Martin Andanar kaugnay sa pinakabagong survey ng Pulse Asia kung saan lumabas na si Pangulong Rodrigo Duterte ang most approved at trusted President  kumpara sa mga nakalipas na Pangulo ng bansa na kinabilangan nina dating Pangulong Joseph Estrada, Gloria Macapagal Arroyo at Benigno Aquino III.



Giit pa ng PCO chief, sa kabila ng kritisismo ng ilang kalaban sa pulitika ng administrasyon ay hindi natitinag si Pangulong Duterte sa mga gusto nitong pagbabago sa pamahalaan kabilang ang pinaigting na kampanya kontra illegal na droga, corruption, kriminalidad at maraming iba pa.



Matatandaang hindi lamang mga local critic kundi maging ilang international organization ang nagkokondena sa mga ginagawa ni Pangulong Duterte pero hindi naman ito hadlang para ipatupad ng Pangulo ang kanyang mga plano para sa mamamayan.

Source

No comments:

Post a Comment