HOTTEST NEWS: PRO-DUTERTE BLOGGERS, BINANATAN SI SPOX HARRY ROQUE! - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Monday, November 6, 2017

HOTTEST NEWS: PRO-DUTERTE BLOGGERS, BINANATAN SI SPOX HARRY ROQUE!





Nagpahayag na ang mga Pro-Duterte bloggers ng kanilang pagkadismaya sa bagong Presidential Spokesperson na si Harry Roque matapos sabihan ang mga followers at subscribers ni Pangulong Rodrigo Duterte kasama na si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson na "dapat maunawaan ang kahalagahan ng mainstream media.



Bago pa ito, suportado ng mga pro-duterte bloggers ang tagapagsalita ni Pangulong Duterte dahil sa kanyang pahayag na "babatuhin ng hollow blocks ang mga taong gustong sirain ang administrayong Duterte."



Subalit ilang araw matapos niya itong sabihin, naging malambot na si Roque sa pakikipag-usap sa press na naging dahilan ng pagsaway at pagbatikos sakanya ng mga pro-duterte bloggers at mas sumiklab pa ito nang sabihan kamakailan si PCOO Mocha Uson na maging kanyang "estudyante" upang ituro sakanya ang kahalagahan ng mainstream media.

“I guess in due course we will explain in a manner na maiintindihan ng lahat, kung bakit importante ang karapatan ng malayang pamamahayag,” ani Roque.


“Bago pa mana kami nagkasama ni Asec. [Uson] – I like her, she likes me – I will forever be a law professor and I will forever consider individuals as under my tutelage on important matters. I hope Asec. Mocha will accept being a student of the spokesperson,” dagdag pa niya.


Photo Source: Rappler

Giit pa ni Roque, ang mainstream media ang nag-ambag sa pagkapanalo ni Pangulong Duterte nitong nakaraaang halalan.

Dahil dito, ang mga bloggers kabilang sina RJ Nieto ng Thinking Pinoy, Mocha Uson, Sass Rogando Sasot at Carlos Munda ng Mindavote ay nagbigay ng kanilang sariling opinyon at sinupalpal si Harry Roque sa pagpanig niy  sa mga pro-mainstream media.




No comments:

Post a Comment