INC BALAK KUNIN ANG CELEBRITIES NA KASAPI NILA KAPAG PINALAKI NA ANG KANILANG TV NETWORK! - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Thursday, November 2, 2017

INC BALAK KUNIN ANG CELEBRITIES NA KASAPI NILA KAPAG PINALAKI NA ANG KANILANG TV NETWORK!





Maaring malagay sa alanganin ang mga kasapi ng Iglesia ni Cristo (INC) dahil sa kanilang plano na kunin ang kanilang serbisyo kapag pinalaki na ang kanilang TV network na Net 25.

Binabalak ng Television Network ng INC na kumuha ng artistang meroong malalaking pangalan na kasalukuyang nagtatrabaho ngayon sa mga kilala at  malalaking Television Networks gaya ng ABS-CBN at GMA-7.

Magiging prayoridad ang pagkuha sa mga artistang kapanalig nila sa pananampalataya.
Kapag nagkaroon ito ng katuparan, mala­king problema ito sa mga artistang nagkaroon ng pangalan sa ABS-CBN at GMA-7 dahil maaaring makawala sa kanila ang malaking oportunidad at kita kapag nawala sa mga nabanggit na network.

At kapag pipiliin naman nilang mantili sa sinasalihang network ay tinitiyak ng INC na matitiwalag ang mga ito dahil sa pagsuway sa kinasasapian nilang grupo.

Ang ilang mga kilalang artista na kasama ng INC ay sina Ejay Falcon, Kathryn Bernardo, at Bugoy Cariño ng ABS-CBN. Nasa INC din ang broadcast journalist na si Anthony Taberna.

Sa GMA-7 naman ay sina Gladys Reyes at Katrina Halili ang ilan sa sikat at kilalang miyembro sa nasabing relihiyon.

Bukod sa telebisyon, nagsisikap rin ang INC na pasukin ang mundo ng pelikula.

Sumabak muna sila sa paggawa ng indie films, ang latest dito ay ang “Guerrero” na pinagbidahan ni Ge­nesis Gomez bilang struggling boxer na si Ramon Guerrero, at Julio Cesar Sabenario bilang naka­babatang kapatid ni Ramon.

Posibleng gumawa ng maraming pelikula ang INC matapos na pumatok ang Guerrero.

“…Sabihin nating naging successful ‘yung film kaya napagdesisyunan ng mga head ng INCinema (film arm ng Iglesia ni Cristo) na isali siya sa abroad. At nanalo po,” tsika ng direktor na si Carlo Ortega. 


  (SOURCE: Abante.com)




No comments:

Post a Comment