LIFETIME BAN isasampa kay Maria Isabel Lopez? - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Monday, November 13, 2017

LIFETIME BAN isasampa kay Maria Isabel Lopez?





Hiniling kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang revocation o tuluyang pagkansela sa driver’s license ng dating beauty queen na si Maria Isabel Lopez matapos luma­bag sa batas-trapiko nang gamitin ang ASEAN Lane noong Sabado ng gabi.

Nagsampa na kahapon ng reklamo ang MMDA sa Land Transportation Office (LTO) at kinasuhan si Lopez ng disregarding traffic signs, paglabag sa Anti-Distracted Driving Act o ADDA at reckless driving.
Nakasaad pa sa reklamo ng MMDA na nais nila na permanenteng ipakansela ang driver’s license ni Lopez. Pinagmumulta din ito ng halagang P5,000 dahil sa paglabag sa ADDA dahil ipinagbabawal na gumamit ng electronic gadget kapag nagmamaneho.
Sinabi pa ng MMDA na hindi lang simpleng paglabag sa batas-trapiko ang ginawa ni Lopez kundi isang seryosong “security breach” kung saan maaaring mapahamak ang ASEAN delegates at mga motoristang gumaya sa kanyang ginawa. 

Maria Isabel Lopez maaring masuspinde ang Driver's License dahil sa paggamit ng ASEAN Lane!!


No comments:

Post a Comment