LOOK: XANDER FORD HINDI NANINIWALANG HINDI SIYA KILALA NI KRIS! - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Monday, November 6, 2017

LOOK: XANDER FORD HINDI NANINIWALANG HINDI SIYA KILALA NI KRIS!




Kris Aquino (right) || Xander Ford (left) "Baka po ano lang, gumawa lang siya ng content na para kunyari, hindi niya ako kilala."

Si Xander Ford na dating kilala bilang si Marlou Arizala ay hindi naniniwala na hindi siya kilala ni Kris Aquino.

Ito ang kanyang sinabi sa isang video interview na in-upload ng Twitter account na may handle na @Senyora.

Bungad ni Kris sa interview, "Sino yun?"



Kasunod ng PEP interview ay isang maikling interview ni Xander kung saan hiningi ang kanyang reaksyon sa hindi pagkakakilala sa kanya ni Kris.

Sa interview ni Xander, "Di ko po alam, e. "Pero feeling ko po, napapanuod naman po ako ni Tita Kris."Kasi siyempre, may mga anak din siya or friend, family, ganun na nagso-social media. "Siya din po may social media siya."

Ayon kay Xander, maaaring gumawa lang daw ng content si Kris at sinabing hindi niya ito kilala.

Pagpapatuloy niya, "Baka po ano lang, gumawa lang siya ng content na para kunyari, hindi niya ako kilala."

Tanong naman ng reporter sa kanya, "Hindi ka naniwala na hindi ka niya kilala?"

Nakangiting sagot ni Xander, "Opo."



No comments:

Post a Comment