Mahigit 400 na ang namatay sa magnitude 7.3 na lindol sa Iran-Iraq border - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Monday, November 13, 2017

Mahigit 400 na ang namatay sa magnitude 7.3 na lindol sa Iran-Iraq border





Umakyat na sa mahigit 400 katao ang bilang ng mga nasawi sa malakas na magnitude 7.3 na lindol na yumanig sa border ng bansang Iran at Iraq.

Bukod sa 400 nasawi, umakyat na sa mahigit 6,700 ang napaulat na nasaktan sanhi ng naturang pagyanig.
Partikular na naapektuhan ng lindol ang mga residente sa Kermansah province sa Iran na isang bulubunduking lalawigan kung saan karamihan sa mga nasawi ay mula sa naturang  lugar.

Sa Iraq, nasa 7 katao ang namatay samantalang 535 naman ang nasugatan bunga ng mga landslide at mga gumuhong bahay at establisyimento.
Natukoy ang epicenter ng lindol may 31 kilometro sa labas ng Eastern Iraqi City ng Halabja.

Gayunpaman, dahil sa lakas ng pagyanig, naramdaman ang epekto nito hanggang sa Mediterranean cast na may layong mahigit 1000 kilometro ang layo mula sa epicenter ng lindol.
Sa kasalukuyan, daan-daan nang aftershocks ang naitatala matapos ang naunang lindol.


No comments:

Post a Comment