Maria Isabel Lopez, HUMINGI NG TAWAD matapos humarap sa LTO! - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Wednesday, November 15, 2017

Maria Isabel Lopez, HUMINGI NG TAWAD matapos humarap sa LTO!

Humarap na sa tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) ang aktres at dating beauty queen na si Maria Isabel Lopez matapos siyang padalhan ng show cause order ng tanggapan noong Lunes dahil sa pagpasok niya sa ASEAN lane.


PHOTO SOURCE: GMA
Kasama ni Lopez na dumulog sa tanggapan ng LTO ang kanyang abogado.
Paliwanag ni Lopez kay Francis Ray Almora, direktor ng Law Enforcement Service ng LTO, hindi aniya intensyong lumabag sa security protocol na ipinatutupad sa ASEAN lane sa bahagi ng Shaw Blvd.
Dagdag pa ni Lopez, akala niya ay wala siyang nilabag na batas nang siya ay dumaan sa ASEAN lane dahil hindi naman umano siya sinita ng naka-duty na MMDA traffic constable.
Humingi na rin ng tawad si Lopez sa kanyang ginawa, pero ayon kay Almora, desidido pa rin ang LTO at MMDA na patawan ng kaukulang parusa ang aktres.
Matatandaang ipinagmalaki pa ni Lopez sa social media ang kanyang pagdaan sa ASEAN Lane habang naiipit sa matinding traffic ang maraming motorista noong nakaraang Sabado.

No comments:

Post a Comment