Mga Pilipinong umaasang matutupad ang PANGAKO ng PANGULO, BUMABA! - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Sunday, November 5, 2017

Mga Pilipinong umaasang matutupad ang PANGAKO ng PANGULO, BUMABA!




Sa 3rd quarter survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS), bumaba ang bilang ng mga Pilipinong umaasa na matutupad ni Pangulong Rodrigo Duterte kung hindi man lahat ay karamihan sa kanyang mga ipinangako sa nagdaang eleksyon.


Lumabas na 35% ang mga naniniwalang Pilipino na matutupad ng Pangulo ang mga sinabing pangako sa bayan kung saan kabilang ang 8% bumoto ng “all or nearly all” at 27% na karamihan sa kaniyang mga pangako habang 15% naman sa resulta ang sumagot ng “a few” habang 6%  ang “none or almost none.” 

Bumaba ito ng 17% kumpara sa naitalang 52% noong Marso 2017.

Gayunpaman, lumabas naman na 67% ang “satisfied” o kontento sa pamamalakad ng administrasyong Duterte habang 19% ang bumoto ng “dissatisfied” o hindi kuntento at 14% naman ang “undecided.”

Isinagawa sa 1,500 respondents ang naturang survey mula September 23 hanggang 27.

No comments:

Post a Comment