P1M pabuya, alok ng Bataan LGU sa makapagtuturo sa suspek sa pagpatay ng isang magkasintahan! - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Thursday, November 16, 2017

P1M pabuya, alok ng Bataan LGU sa makapagtuturo sa suspek sa pagpatay ng isang magkasintahan!


Nag-alok ng isang milyong pisong pabuya ang Local Government Unit (LGU) ng Bataan para sa ikadarakip ng mga suspek sa pamamaslang sa isang magkasintahan sa lalawigan.

Natagpuan ang bangkay ng magkasintahan sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan noong nakaraang Linggo.
Nakitang palutang-lutang ang katawan ng biktima na si James Carl Guzman, 22 taong gulang, sa bayan ng Orion habang ang nobya naman niya na si Glory Mary Carbonell, 19 taong gulang, ay natagpuan naman sa munisipalidad ng Pilar.
Una nang napaulat na nawawala ang magkasintahan bago pa matagpuang patay.
Batay sa resulta ng otopsiya, namatay sa Guzman dahil sa malakas na hampas sa batok gamit ang isang paddle.
Sa preliminary medical report naman, lumabas na posibleng ginahasa si Carbonell bago patayin sa pamamagitan ng paglunod.

No comments:

Post a Comment