PAKIKIRAMAY NI YOO AH IN KAY KIM JOO HYUK, NAGING KONTROBERYSAL!! - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Thursday, November 2, 2017

PAKIKIRAMAY NI YOO AH IN KAY KIM JOO HYUK, NAGING KONTROBERYSAL!!




Kontrobersyal ngayon ang post ng sikat na Korean aktor na si Yoo Ah In na dating ka love team ni Song Hye Kyu, dahil sa kanyang post bilang pagpapaabot ng pakikiramay sa namayapang aktor na si Kim Joo Hyuk.

(KPop star - Yoo Ah In)

Sa kanyang post pinaabot nito ang pakikiramay ngunit sinamahan pa ito ng isang may mensaheng "condolence" na may screenshot photo ni Benjamin Clementine na syang kumanta nsa awiting pinamamagatang Condolence.

"We send out our deepest condolences, RIP" ani Yoo Ah In sa kanyang post.



Ikinagalit ito ng mga netizens kaya bumuhos ang mga komento sa naturang post. Ayon sa isang fan, British-American raw ba ang aktor para e post pa ang litrato ni Benjamin Clementine? Pinuna rin ang mga letrang "RIP" dahil hindi rin umano ito pormal sa nakasanayang kultura ng mga Koreans. Kung kaya't kaliwa't kanan ang inabot na bash ng aktor na si Yoo Ah In.

Sinagot naman ni Ah In ang mga netizens at sinabi nitong, wala namang masama sa naging post niya dahil kanya-kanya naman ang istilo ng pagpapaabot ng pakikiramay at iyon ang kanyang paraan. 


Samantala, naihatid na sa kanyang huling hantungan si Joo hyuk at marami sa mga kasamahang artista ang mga dumalo tulad ng mga nakasama ng aktor sa Running Man Show, at maging ang sikat na aktor na si Song Joon Ki.

(Kim Joo Hyuk)

No comments:

Post a Comment