Pangulong Duterte, binisita ang puntod ng kanyang mga magulang kaninang madaling araw! - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Friday, November 3, 2017

Pangulong Duterte, binisita ang puntod ng kanyang mga magulang kaninang madaling araw!




Pasado alas-dose na kaninang madaling araw ng bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa puntod ng kanyang mga yumaong magulang sa Davao City Roman Catholic Cemetery. 


Photo Source: Rappler

Dinalaw ng Pangulo ang puntod ng kanyang ama't ina na sina dating Davao City Gov. Vicente Duterte at Soledad Duterte.

Naging abala umano ang Pangulo sa mga nakalipas na araw kung kaya't ngayon lamang siya nakabisita sa libingan, ayon sa kanyang Presidential Management Staff.


Photo Source: Inquirer

Halos isang oras lamang nanatili ang Pangulo sa lugar at hindi na rin pinayagan ang mga miyembro ng media na makalapit pa sa mismong puntod ng kanyang mga magulang.

Bago sumakay sa kanyang sasakyan ay kinausap muna ng Pangulo ang mga tagasuportang naghintay ng magdamag sakanya sa sementeryo hanggang siya'y dumating at binigyan sila ng mga food packs ng mga tauhan ng PMS.




No comments:

Post a Comment