Vice Mayor Jose Espinosa III, pormal ng nanumpa bilang bagong Mayor ng Iloilo City! - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Wednesday, November 1, 2017

Vice Mayor Jose Espinosa III, pormal ng nanumpa bilang bagong Mayor ng Iloilo City!




Pormal ng nanumpa si Iloilo City Vice Mayor Jose Espinosa III bilang bagong City Mayor sa lugar matapos ibigay ang dismissal order ni Mayor Jed Patrick Mabilog ng DILG galing sa opisina ng Ombudsman noong Martes ng umaga.



Naging emosyonal naman ang mga empleyado ng Iloilo City Hall pero naging maayos ang panunumpa sa bagong pwestong gagampanan ni Espinosa.

Sa talumpati, sinabi ng bagong alkalde na tututukan niya ang problema sa peace and order at aayusin ang sitwasyon ng pagnenegosyo sa kanilang lungsod.




Sinibak si Mabilog sa serbisyo ng Ombudsman dahil sa serious dishonesty kaugnay sa hindi pagsusumite ng tamang detalye sa kanyang Statement of Assets Liabilities and Networth (SALN).


Kabilang dito ang hindi pagdedeklara ng mga kita ng kanyang misis na ilang taong nagtrabaho sa Canada.

Nauna nang isinangkot ni Pangulong Rodrigo Duterte si Mabilog sa ilegal na droga.

No comments:

Post a Comment