8-buwan na sanggol, sinaksak ng 90 beses ng kanyang ina matapos kagatin ang dede nito habang pinapasuso! - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Wednesday, December 20, 2017

8-buwan na sanggol, sinaksak ng 90 beses ng kanyang ina matapos kagatin ang dede nito habang pinapasuso!





Si Xiao Bao, isang walong buwang gulang na batang lalaki na sinaksak ng kanyang sariling ina ng 90 beses na karamihan ay sa kanyang mukha. Ito ay dahil umano kinagat ang dede ng kanyang ina habang ito ay pinapasuso.



Kinailangan ng batang lalaki na matahian ng higit sa 100 para muling maikonekta ang kanyang mga sugat. Ang mga doktor ay maingat namang tinahi ang mga sugat ni Xiao Bao.

Si Xiao Bao ay natagpuan ng kanyang tiyuhin sa isang pool na duguan at inisip na patay na ang sanggol. Ang insidente ay nangyari sa Xuzhou, Jiangsu Province ng Silangang Tsina.


Pagkatapos nito, inamin mismo ng kanyang ina na sinaksak niya ang anak matapos siyang kagatin habang pinapasuso ito. Sinabi rin niya na hindi niya alam ang kanyang ginagawa sa mga oras na sinasaksak niya ang kanyang sanggol na lalaki.

Dagdag pa niya, may bumubulong umano sakanya na gawin niya ito at hindi na rin maalala ang iba.




Naniniwala naman ang mga kapitbahay ng ang nanay ng walong buwang gulang na sanggol ay mayroong sakit sa isip at maaaring ito ang dahilan kung bakit niya ito nagawa sa kanyang sariling anak.

Ngayon ay nasa pag-iingat na ng kanyang dalawang tiyuhin ang sanggol habang dina-diagnose ang kanyang ina sa hospital upang malaman kung talagang nagdurusa nga ito sa sakit sa isip.

No comments:

Post a Comment