ALEJANO! Sinupalpal si DUTERTE dahil sa pag appoint sa kanyang kamag anak bilang isang Nayong Pilipino EXECUTIVE DIRECTOR! - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Monday, December 11, 2017

ALEJANO! Sinupalpal si DUTERTE dahil sa pag appoint sa kanyang kamag anak bilang isang Nayong Pilipino EXECUTIVE DIRECTOR!

Isa sa mga kamag-anak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hinirang bilang excutive director ng Nayong Pilipino Theme Park sa Paranaque City. Ang pagtalaga kay Maria Fema Duterte, ang pamangkin ni Pangulong Duterte ay nakumpirma noong Huwebes, December 7 na pinirmahan naman ni Executive Secretary Salvador Medialdea. Gayunpaman, hindi naman natuwa si Magdalo Rep. Gary Alejano sa ginawang pagtalaga sa pamangkin ni Duterte.

“Kahit sino na lang, binibigyan ng pangulo ng pwesto sa gobyerno, basta supporter nya, at hindi kokontra sa kanya kahit mali na ginagawa niya, kahit hindi karapat-dapat at kulang sa expertise. Ngayon naman, kamag-anak nya. Hindi talaga aasenso ang bayan natin pag ganyan.”, saad ni Alejano sa isang ambush interview nitong Lunes, December 11.

batay sa mga records, tumakbo si Maria Fema Duterte para mabilang sa board members sa Cebu ngunit ito ay natalo. Ngunit, dahil nanalo si Pangulong Duterte, nabigyan siya ng pagkakataon na tumulong sa gobyerno. Noong Marso ay inatasan siya na personal na mamahala sa 34 na bilanggo na karapat-dapat palayain mula sa Sablayan Prison at Penal Farm sa Occidental Mindoro. 

Noong nakaraang Oktubre, ipinahayag ni Maria Fema na nagsasagawa siya ng mga pambansang pagsasalita upang mai-promote ng federalismo. Sa kanyang Facebook post, pinasalamatan niya din ang dating CHED technical working committee na si Doc.  Paul Chua na nag silbing kanayng research cosultant para sa kanyang 'federalism talks'.

Si Maria ema Duterte ay nagtapos bilang B.S. Chemistry sa Far Eastern University at isang legislator o mambabatas sa LGU (Local Government Unit) mula July 2001 hanggang October 2010. Sa kasalukuyan, isa siya sa mga board of director ng Sagip Sierra Madre Environmental Society Inc. (SSMESI), isang grupo na sinusubaybayan ang Sierra Madre.



No comments:

Post a Comment