BABAE SA VIRAL VIDEO ITINANGGING SINAPAK ANG TAXI DRIVER, TINURO LANG ANIYA ANG KAMAY NITO! - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Tuesday, December 26, 2017

BABAE SA VIRAL VIDEO ITINANGGING SINAPAK ANG TAXI DRIVER, TINURO LANG ANIYA ANG KAMAY NITO!


Itinanggi ng babaeng nag-viral sa social media na sinampal o sinaktan niya ang isang taxi driver na nakaalitan niya sa Congressional Avenue, Quezon City nitong Disyembre 17.




Ipinaliwanag ni Cherish Sharmaine Interior sa kanyang position paper na tinuro lang niya ang driver na si Virgilio Doctor nang kanyang ipasok ang kamay sa bintana ng taxi.
“Dumaan ako sa side niya at tinuro ko siya na nakapasok ang mga daliri ko sa bintana. At ng lumabas siya ay umarte na siya at pinalabas na sinapak ko daw siya dahil may nakita siyang nagvivideo,” sabi ni Interior sa kanyang sinumpaang salaysay.

              Scanned copy ng Position paper ni Cherish Sharmaine Interior na isinumite sa LTO.
Iginiit din ni Interior na ang naging reaksiyon nila ng kanyang kasama ay “natural” lalo’t nauna umanong nakapanakit ang taxi driver nang tinangka ng matandang takasan sila.
“Pilit siyang tumakas at noong hinarang ko siya ay inabante niya [ang sasakyan] at tinamaan ang tuhod ko. At nung bumaba siya, pagbukas niya ng pintuan, tinamaan ang asawa ko, sabay sinabihan kami ng baliw,” aniya.
Kuwento ni Interior, nagsimula ang insidente nang gitgitin sila ng taxi sa Congressional Avenue sa pagnanais na makalusot o maka-overtake. Halos mabangga pa aniya ng taxi ang kanilang Honda City.
Read more by clicking this link.

No comments:

Post a Comment