DE LIMA! Pinayagang tumanggap ng mga BISITA sa PASKO at BAGONG TAON! - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Wednesday, December 20, 2017

DE LIMA! Pinayagang tumanggap ng mga BISITA sa PASKO at BAGONG TAON!




Pumayag ang Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame na tumanggap ng mga bisita si Seandor Leila de Lima para sa nalalapit na bisperas ng Pasko at bagong taon.

Pahayag ng opisina ng senador na pwedeng tumanggap ng mga bisitang kamag-anak si De Lima sa December 24 hanggang ala-1 ng madaling araw ng Disyembre 25 at sa mismong araw ng Pasko mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Pwede rin siyang tumanggap ng bisita si De Lima mula sa bisperas ng Bagong Taon hanngang ala-1 ng Enero 1 at maaring bumalik ng alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Matatandaang naghigpit ang Custodial Center sa mga bisita ni De Lima kung saan ilang beses nang hindi pinayagan makapasok ang ilan dito.

Ilan na dito ang mga kaalyado ni De Lima at maging mga international human rights advocates.

Kahit ang pagpapasok ng mga printed Facebook at Twitter messages ay hindi rin umano pinayagan.

Si De Lima ay nakulong matapos akusahan ng pakikisosyo sa kalakaran ng ilegal na droga sa loob ng New Bilibid Prison upang tustusan ang kaniyang kandidatura sa Senado.

Mariin naman itong tinatanggi ni De Lima at sinabing ginigipit lamang siya ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagtuligsa niya sa kontrobersiyal na "war on drugs."




No comments:

Post a Comment