De Lima to ex-lover Dayan: KUNG TOTOONG NAKILALA MO ANG DIYOS, LILINISIN MO ANG PANGALAN KONG SINIRA NG PANGULO! - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Monday, December 25, 2017

De Lima to ex-lover Dayan: KUNG TOTOONG NAKILALA MO ANG DIYOS, LILINISIN MO ANG PANGALAN KONG SINIRA NG PANGULO!


Si Ronnie Dayan, ang dating driver-lover at diumano'y bagman ni Senador Leila de Lima ay isang bagong tao na ngayon, ayon sa kanyang kamag-anak. Ito ay mahigit dalawang buwan na matapos siyang mabawtismuhan ng Seventh-day Adventist Church Prison Ministry sa loob ng kanyang selda sa Muntinlupa City Jail noong Oktubre. Gayunpaman, hindi parin kumbinsido si Senator Leila de Lima sa pagbabago ni Dayan.




“Malaki na ang ipinagbago nya mula nang tinanggap niya uli si Hesu Kristo  sa puso niya. Matamis na siya uli ngumiti at unti-unti nang bumabalik ang kanyang dating sigla, at palagi kwento ang mga nababasa niya sa Bibliya,” ayon sa isang kamag-anak ni Dayan na tumangging magpakilala.




Ayon kay de Lima, makukumbinsi lamang siya nagbago na nga talaga si Dayan kung babawiin niya lahat ng naunang pahayag nito laban sa kanya.

“Madaling magkunwaring nagbago na. Kung totoo na nakilala na niya ang Diyos, itatama nya ang mali niya at lilinisin niya ang pangalan ko na sinira ng pangulo,” ito ang naging pahayag ni de Lima sa mga reporters na bumisita sa kanyang selda sa Camp Crame.

No comments:

Post a Comment