EX PRES. AQUINO, may panangutan sa SENADO hingil sa DENGVAXIA! - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Monday, December 11, 2017

EX PRES. AQUINO, may panangutan sa SENADO hingil sa DENGVAXIA!

May pananagutan si dating Pangulong Benigno Simeon "Noynoy" Aquino III hinggil sa pondong pinambili ng kontrobersiyal na bakuna kontra dengue at ito ay iginiit sa pagdinig sa Senado.
"Mayroon pagkukulang ang Office of the President na biglang kinuha 'yong pera na nakalaan sa ibang lugar at inilipat sa last minute," pahayag ni Sen. Richard "Dick" Gordon sa pagdinig ng Senado sa isyu ng bakunang Dengvaxia.
Ayon kay Gordon, matapos makipagpulong ni Aquino sa mga tauhan ng Sanofi Pasteur, minadali ang proseso ng pagbili sa Dengvaxia. Umabot sa P3.5 bilyon ang ginastos ng gobyerno sa pagbili ng bakuna.
Sa kabila nito, hindi muna pinadalo si Aquino sa pagdinig.
"Out of respect for former President Aquino, hindi muna namin siya tinawag dito. Pero hindi ibig sabihin na wala na siyang pananagutan dito," ani Gordon, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee.
Hangad rin ni Gordon na ipaliwanag ni Aquino ang mga pakikipagkita nito sa mga opisyal ng Sanofi Pasteur, ang French pharmaceutical company na gumawa ng bakunang ipinamahagi sa dengue vaccine program na sinimulan sa ilalim ng nakaraang administrasyon.
Nabalot sa kontrobersiya ang Dengvaxia matapos ilabas ng Sanofi Pasteur ang pag-aaral na maaring magdulot ng malubhang sintomas ang bakuna kapag naibigay sa mga hindi pa nagkakaroon ng dengue.



Click and Watch!

SEN. GORDON, NALAMANG PA EXPIRE NA ANG DENGVAXIA!


No comments:

Post a Comment