HONTIVEROS, HINDI SUSUPORTA sa PAGPAPATALSIK kay DRILON sa BLUE RIBBON! - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Monday, December 18, 2017

HONTIVEROS, HINDI SUSUPORTA sa PAGPAPATALSIK kay DRILON sa BLUE RIBBON!


Walang plano si Senator Risa Hontiveros na sundan ang naging hakbang noon ni Senator Antonio Trillanes na isulong na matanggal bilang chairman ng komite si Senator Richard Gordon.



Ito ay kahit pa ikinadismaya ni Hontiveros at ng ibang mga senador ang paraan ng paghawak ni Gordon, bilang Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagdinig ukol sa kontrobersyal na Dengvaxia vaccine.

Nagrereklamo si Hontiveros, maging sina Sen. Franklin Drilon at Kiko Pangilinan dahil hindi umano binigyan ni Gordon ng sapat na oras para magtanong sa mga resource person sa nakalipas na hearing.



maging si Senator JV Ejercito na Chairman ng Committee on Health na katuwang sa imbesigasyon ay aminadong hindi rin masyadong nakasingit sa pagsasalita ni Gordon.

Samantala, umaasa si Hontiveros na makikinig si Gordon sa mga negatibong feedback laban sa kanya para hindi na maulit ang kanyang naging asal sa mga susunod pang pagdinig.

Source

No comments:

Post a Comment