JOMA SISON, PAPAUWIIN NA NG NETHERLANDS SA PILIPINAS! - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Monday, December 11, 2017

JOMA SISON, PAPAUWIIN NA NG NETHERLANDS SA PILIPINAS!


Nakatakdang pauwiin ng Netherlands si Communist Party of the Philippines (CPP) founder na si Jose Maria Sison sa Pilipinas sa susunod na taon 2018. Ito ay matapos sumang-ayon ang pamahalaang Dutch kay Pangulong Rodrigo Duterte nang ipahayag niya noong nakaraang linggo na ang CPP kasama ang New People's Army (NPA) bilang mga terroristang organisasyon.



“Yes, it appears that it’s going to happen soon. Our government does not allow terrorists to stay in our country,” pahayag ng Dutch Ambassador na si Robert Vornis.

At kahit hindi pa pinaliwanag ni Vornis, sinabi niya na nabasa na daw ng Dutch parliament (The Hague) ang Proclamation No. 374 ni Pangulong Duterte, na nagdedeklara ng CPP-NPA bilang teroristang organisasyon. Ang nasabing proklamasyon ay inihayag noong Biyernes ng Presidential Spokesperson na si Harry Roque, at idinagdag na ang mga financer ng grupo ay dapat din naaresto.

Naipahayag na din ni Roque ang Republic Act 10168 o ang Batas sa Pag-iwas at Suportang Pananalapi ng Terorismo ng 2012 bilang batayan para sa proklamasyon, na pinirmahan ng isang linggo matapos tapusin ni Pangulong Duterte ang mga usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng mga komunista. Gayunpaman, kailangan pa ng DOJ ang pag-apruba mula sa korte.

No comments:

Post a Comment