NET SATISFACTION RATING ni DUTERTE, TUMAAS na MULI ayon sa SWS Survey! - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Saturday, December 23, 2017

NET SATISFACTION RATING ni DUTERTE, TUMAAS na MULI ayon sa SWS Survey!

Tumaas ang net satisfaction ratings ni Pangulong Duterte ng 10 puntos mula sa 58% sa fourth quarter ng 2017 base sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) noong December 8 hanggang 16, 2017.



Sa datos na nakalap ng SWS, 71% ng mga adult Filipino ang “satisfied” sa performance ni Pangulong Duterte, habang 13% ang dissatisfied at 15% naman ang undecided.



Pumasok na muli sa classification na “very good” ang net satisfaction rating ng Pangulo na isang magandang pagbabago mula sa natanggap niyang rating na 48% na “good” noong September 2017.

Samantala, nanatili namang “excellent” ang net satisfaction rating ni Duterte sa Mindanao na 80%.



Mula naman sa “good” ay umakyat sa “very good” ang ratings ni Duterte sa Metro Manila na nasa 55%, habang 50% naman sa Luzon at 52% sa Visayas.

No comments:

Post a Comment