PACQUIAO, ININDORSO ni DUTERTE bilang SUSUNOD na PANGULO! - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Monday, December 18, 2017

PACQUIAO, ININDORSO ni DUTERTE bilang SUSUNOD na PANGULO!

Bukod kay Senador Grace Poe, inindorso na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Manny Pacquiao na maging susunod na pangulo ng bansa.



Sa birthday party kagabi ni Pacquiao sa General Santos City, sinabi ni Duterte na gusto niyang gawing pangulo ng bansa ang pambansang kamao.

“I am dedicating this message to Manny. You know why? Sabi ko sa kanya, at one time, kami lang dalawa nag-uusap. “’Yung style mo na ‘yan gusto kita gawaing presidente,” ayon sa pangulo.




Ayon sa pangulo, hindi maikakaila na malaki ang naiambag na karangalan ni Pacquiao sa Pilipinas dahil sa pagiging world champion nito at sa mga tagumpay na nakamit sa larangan ng boxing.

Marapat lamang aniya na gayahin ang determinasyon at kababaang loob ni Pacquiao.




Sa huli sinabi ng pangulo na gusto niyang magsilbing inspirasyon si Pacquiao lalo na sa mga mahihirap.

Hindi aniya dapat na sumuko at mawalan ng pag-asa ang mga Pinoy dahil gaya ni Pacquiao napagtagumpayan nito na lagpasan ang kahirapan.

Nauna nang sinaibi ng pangulo na gusto niya ring maging pangulo ng bansa si Poe kung maamyendahan ang Saligang Batas para sa mga foundling.

Source

No comments:

Post a Comment