PANG. DUTERTE, NANGAKONG RERESOLBAHIN ang KASO ng PAGKAMATAY ng HAZING VICTIM na si ATIO CASTILLO! - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Saturday, December 30, 2017

PANG. DUTERTE, NANGAKONG RERESOLBAHIN ang KASO ng PAGKAMATAY ng HAZING VICTIM na si ATIO CASTILLO!




Si Pangulong Rodrigo Duterte ay nangako sa mga miyembro ng angkan ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal na reresolbahin ang kaso ng pagkamatay ng hazing victim na si Horacio “Atio” Castillo III.



Sinabi ito ni Pangulong Duterte sa tiyuhin ni Atio na si Gerardo sa ginanap na paggunita sa Rizal Day ngayong araw.



Ayon umano kay Pangulong Duterte, lalabas na ang desisyon ng Department of Justice kaugnay sa kaso ni Atio sa unang linggo ng Enero.



Ayon kay Gerardo, ang 22-anyos na UST Law student na pumanaw sa hazing ay great-great-grandson ni Dr. Jose Rizal.
Matatandaang noong Ika-16, 2017 ng Setyembre nang dumalo sa umano’y ‘welcome party’ ng Aegis Juris Fraternity si Atio, pero hindi na ito nakauwi pa nang buhay sa kanyang pamilya matapos umanong sumailalim sa brutal na initiation rites ng frat.



Sa katunayan, sinimulan ng Department of Justice ang kanilang imbestigasyon sa kaso ni Castillo noong October 4, kung saan 42 respondents ang kabilang sa kaso.




No comments:

Post a Comment