PANG. DUTERTE, PINANGUNAHAN ang PAGTULONG sa mga SINALANTA ng BAGYO sa BILIRAN! - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Monday, December 18, 2017

PANG. DUTERTE, PINANGUNAHAN ang PAGTULONG sa mga SINALANTA ng BAGYO sa BILIRAN!


Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang aerial inspection sa mga lugar na pininsala ng bagyong Urduja sa lalawigan ng Biliran.


Sinalubong ang pangulo sa bayan ng Naval ng ilang miyembro ng kanyang gabinete para magbigay ng kani-kanilang ulat sa pangulo.

Nauna nang sinabi sa isang pulong balitaan kaninang hapon ni Presidential Spokesman Harry Roque na umakyat na sa 31 ang bilang mga kumpirmadong patay sa pananalasa ng bagyo sa Biliran, Tacloban City, Eastern Samar, Samar at Leyte.

Samantala, umakyat naman sa 49 ang bilang ng mga nawawala dulot ng nasabing bagyo na nagresulta ng pagbabaha at landslides sa ilang mga lugar sa Eastern Visayas.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Agriculture Sec. Manny Piñol na naglabas na rin ng ayuda ang kanyang tanggapan para alalayan ang mga mangingisda at magsasakang naapektuhan ng bagyo.

Nauna ring iniulat ng mga opisyal ng Department of Health at ng Department of Social Welfare and Development na patuloy ang pagbibigay nila ng ayuda sa mga sinalanta ng kalamidad.

No comments:

Post a Comment