Sen. Kiko Pangilinan, IPINAGTANGGOL si Ms.Interior laban sa mga BASHERS ONLINE! - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Wednesday, December 20, 2017

Sen. Kiko Pangilinan, IPINAGTANGGOL si Ms.Interior laban sa mga BASHERS ONLINE!





Pinagalitan ni Senador Kiko Pangilinan ang mga nagbabanta at nang-iinsulto kay Cherish Sharmaine Interior, ang babaeng nakuhanan ng video habang pinapagalitan at sinampal ang isang taxi driver na si Mang Virgilio Doktor noong Lunes.



Ipinagtanggol ng Senador si Ms. Interior at sinabing:

“Mali ang ginawa ni Cherish at dapat siyang humingi ng kapatawaran at managot. Subalit sa tindi ng galit natin sa ginawa ni Cherish nagawa ng ilan sa atin na manakot, manlait, magbanta, mang-insulto at manakit ng kapwa. Ano ang pinagkaiba natin kay Cherish?” pahayag ng Senador.



“We cannot defeat the wicked with wickedness nor the cruel with greater cruelty because in the end only wickedness and cruelty triumph,” dagdag pa niya.

Samantala, nagpakita rin ng suporta si Senator Risa Hontiveros kay Ms. Interior at sinabing handa ang kanyang opisina na tulungan siya na magsampa ng cyberbullying case laban sa mga bashers niya sa social media.

No comments:

Post a Comment