War on Drugs ngayong 2018, magiging "less bloody" na ayon kay Dela Rosa! - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Monday, January 8, 2018

War on Drugs ngayong 2018, magiging "less bloody" na ayon kay Dela Rosa!




Magiging mas maingat na ngayon ang Philippine National Police sa paglulunsad ng mga anti-drug operations sa bansa.



Pinaalalahanan naman ni Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa ang kanyang mga tauhan na irespeto ang human rights at gawing “less bloody” ang kampanya kontra sa iligal na droga.
Sa kanyang pagsasalita sa flag raising ceremony sa Camp Crame, sinabi ni Dela Rosa na malinaw ang naging atas ng pangulo na ituloy ang kampanya kontra droga pero dapat samahan ito ng mataas na pagkilala sa karapatang pantao ng bawat isa.




Muli ring binalaan ng opisyal ang mga pulis na sangkot sa iligal na droga na tuloy ang kanyang gagawing pagtugis sa mga ito.



Ayon kay Dela Rosa, ang war on drugs at gagamitin rin kontra sa mga police scalawags na hanggang ngayon ay namamayagpag pa rin sa kanilang hanay.
Dumalo rin sa ginanap na New Year’s Call ang mga asawa ng mga PNP officials na isang taunang event sa Camp Crame.




Kaugnay nito, nilinaw naman ng Philippine Drug En­forcement Agency na pangungunahan pa rin nila ang kam­panya sa pagsugpo ng iligal na droga sa bansa at magiging alalay lamang ang PNP maging ang AFP at iba pang ahensiya sa mga inilu­lunsad na operasyon.

No comments:

Post a Comment