ILANG MIYEMBRO NG MAUTE, POSIBLENG NASA MAYNILA NA! ayon kay PNP Chief Bato - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Monday, March 5, 2018

ILANG MIYEMBRO NG MAUTE, POSIBLENG NASA MAYNILA NA! ayon kay PNP Chief Bato




Ibinunyag na ni PNP Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang posibilidad na nasa Maynila na ang mga ilang miyembro ng Maute-terror group.
Ito ay kasunod ng pagkaaresto sa isa sa mga sub-leaders ng grupo sa Tondo, Manila.

Ayon kay Dela Rosa, ang naarestong si Abdul Nasser Lomondot ay pwedeng walang intensyon na maghasik ng lagim sa Maynila at pwedeng nagtatago lang ito sa batas.
Pero dahil may natutuluyan ang suspek sa Maynila ay posible aniyang nakarating na sa Metro Manila ang ibang mga kasamahan nito.

Samantala, sinabi ni Manila Police District Director Joel Coronel na sangkot si Lomontod sa Marawi siege.
Ito aniya ay isa sa mga target ng militar sa operasyon noong Oktubre pero nakatakas lamang ito.





No comments:

Post a Comment