Pangulong Duterte, hindi sang-ayon sa DIVORCE! - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Monday, March 19, 2018

Pangulong Duterte, hindi sang-ayon sa DIVORCE!




Tutol si Pangulong Rodrigo Duterte sa isinusulong na divorce bill sa Kamara.
Sa pulong balitaan sa Camarines Sur, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ayaw sana umanong magkomento ng pangulo ukol sa isyu. 

Pero dahil sa napagbotohan na sa second reading sa Kamara ang panukalang batas, sinabi ni Roque na tutol ang pangulo sa divorce.
Sinabi pa ni Roque na nababahala ang pangulo sa divorce bill dahil magiging kawawa ang mga anak.

Idinagdag pa ni Duterte na kapag naaprubahan na ang divorce sa Pilipinas ay mawawalan na ng karapatang magsampa ng kaso ang isang tao sa mga pabayang asawa.

Una dito, sinabi ng pangulo na no comment siya sa divorce bill at bahala na ang kongreso sa panukala.





No comments:

Post a Comment