DUTERTE, PAPATAWAN ng TAX ang SIMBAHAN kung hindi TITIGIL sa PANGIGIALAM! - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Thursday, April 5, 2018

DUTERTE, PAPATAWAN ng TAX ang SIMBAHAN kung hindi TITIGIL sa PANGIGIALAM!





Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte noong biyernes na maaari niyang hilingin sa Kongreso na ipasa ang isang panukalang-batas na nangangailangan ng lahat ng relihiyosong grupo na magbayad ng mga buwis kung hindi sila titigil sa pangingialam sa mga ginagawa ng gobyerno.


Photo Source: Pinterest




Sa isang press briefing sa Malacañang, sinabi ni Duterte na napupuno na siya sa mga lider ng simbahan lalo na sa mga Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) sa pagsaway sa kanyang digmaan kontra iligal na droga sa kabila ng hindi pagtulong sa mga biktima ng droga.






“Walang magawa sa buhay akala mo kung sinong magagaling wala namang alam maliban sa tumanggap ng abuloy. E bakit hindi nila ampunin lahat ng adik jan kung gusto nila?” ani Duterte na tinutukoy ang mga Katolikong pari. 




Pinatamaan rin ni Duterte ang simbahan sa kanilang pagpuna sa labinlimang namatay na NPA sa Batangas sa operasyon ng militar noong nakaraang linggo.Kung gusto nila e di sumama sila sa operation. Yan, sila ng CHR, magsama sama sila para pag tinamaan sila ng bala ng mga NPA e di sorry”, giit ni Duterte na nanunuya sa mga CHR at CBCP



Ito kasing mga paring ito, walang ibang alam kungdi ang maki-alam. E kung magbayad kaya sila ng tax sigurado pakikinggan ko pa sila;. Payag ba kayo singilin natin ng tax ang mga pari?” tanong ni Duterte sa mga nakikinig na tumugon ng masigabong palakpakan.






“Pag hindi sila tumigil sa pakikialam talagang sisingilan ko ng tax ang mga abuloy nila”, dagdag pa ni Duterte.


Ang CBCP ay isa sa mga malalakas na kritiko ng Pangulo pagdating sa digmaan kontra iligal na droga na nagresulta sa libu-libong mga kaswalti kung saan ipinatupad ito pagkatapos siya ay nanalo bilang Pangulo noong nakaraang taon.




At dahil muling ibinalik ang anti-drug operation sa PNP, nagsabi ang mga anti-Duterte groups na mas pang lalo madaragdagan ang mga biktima ng war on drugs sa anumang oras at panahon. 








No comments:

Post a Comment