HONTIVEROS kay DUTERTE: Tigilan mo na yang PANGGAGAYA mo kay MARCOS! - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Sunday, April 15, 2018

HONTIVEROS kay DUTERTE: Tigilan mo na yang PANGGAGAYA mo kay MARCOS!




Isinapubliko ni Senator Risa Hontiveros noong Linggo ang mga pananakot na ginagawa umano ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC) na nagsasabing dapat na niyang itigil ang panggagaya sa dating diktador na si Ferdinand Marcos.




Sa isang pahayag, tinanong si Hontiveros kung bakit dapat arestuhin si ICC prosecutor Fatou Bensouda.




"Why, is she accused and guilty of high crimes? Is she involved in the systemic and large-scale killing of people? Did she made numerous public statements in favor of extrajudicial killings? Did she influence and command state security forces to inflict unjust and extreme violence against the public? Did she shield extrajudicial killers from calls of justice and accountability?" 



"As far as I know, it is President Rodrigo Duterte and his cohorts who are charged before the ICC with crimes against humanity," dagdag pa ng Senadora.




Ayon naman kay Pangulong Rodrigo Duterte, ang Statue ng Roma na nagtatag sa ICC ay hindi maaring maipatupad sa Pilipinas dahil hindi ito nai-publish sa publication ng pahayagan o komersyal na pahayagan.




“Kaya ikaw Ms. Fatou, ‘wag kang pumunta dito because I will bar you. Not because I am afraid of you, I said, because you will never have jurisdiction over my person, not in a million years,” ani Duterte.




“But what is your authority now? If we are not members of the treaty, why are you f____ in this country? You cannot exercise any proceedings here without basis. That is illegal and I will arrest you,” giit pa niya.





Sa ngayon, kasalukuyang nagtatakda ang ICC kung may katotohanan nga ba ang mga paratang laban kay Pangulong Duterte sa mga napapabalitang pagpatay sa mga biktima ng war on drugs ng pamahalaan. 




"It would be good for President Duterte to stop making outrageous statements in an attempt to deflect the serious charges lodged against him and discredit the ICC," ani Hontiveros.





Iginiit pa ni Hontiveros na mas lalo lamang ipinapakita at ipinapahalata ng Pangulo na siya ay guilty sa mata ng publiko sa pamagitan ng pagsabi ng gayong mga bagay. 

"If the President thinks he is innocent of the accusations, then there is nothing to fear," aniya.






No comments:

Post a Comment