BAM AQUINO nakiisa sa isingawang rally at tinawag pang "DARK DAY" ang pagpapatalsik kya SERENO! - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Sunday, May 13, 2018

BAM AQUINO nakiisa sa isingawang rally at tinawag pang "DARK DAY" ang pagpapatalsik kya SERENO!







Nakiisa rin si Senator Bam Aquino sa isinagawang indignation rally ng mga estudyante upang iparating ang pagtutol sa pagpapatalsik ng Supreme Court kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Nasa mahigit 1,500 na estudyante ng Ateneo De Manila University, University of the Philippines and Miriam College ang sama-samang nagkaisa na halos pinuno ang Katipunan Avenue nitong Biyernes.
Sa panayam kay Aquino habang isinasagawa ang protesta, ipinahayag niya ang pagkadismaya sa naging desisyon ng hukoman.




“Nakakalungkot ang araw na ito. Klarung-klaro po na unconstitutional ang nangyari sa ating bansa,” saad ni Aquino.
Ayon kay Aquino, ang tamang paraan lamang upang magtanggal ng public officer ay ang impeachment.
Dagdag pa niya, na nakiisa sila upang ipakita na sila ay galit sa nangyayari sa ating bansa.
“Ang nangyayari sa ating bansa ay napakasakit at napakasaklap talaga. Ito pong nangyari ngayong araw na ito ay kailanangan linawin natin. Hindi po ito simpleng bagay lang, isa po itong dark day in our country. Isa po itong dark day for democracy.,” saad ni Bam.



“Klarung-klaru po binaliwala ‘yung constitution. Ang demokrasya natin po kitang-kita na humina dahil po sa desisyon na iyan,” dagdag nito.
Paliwanag pa ni Aquino na nanganganib na umano ang karapatan ng mga Pilipino. Panghihikayat pa niya na dapat handa umanong lumaban ang lahat upang ipaglaban ang karapatan ng bawat isa.


   SOURCE

No comments:

Post a Comment