DUTERTE: GALING sa mga PILIPINO ang TUNAY KONG KAPANGYARIHAN - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Thursday, May 10, 2018

DUTERTE: GALING sa mga PILIPINO ang TUNAY KONG KAPANGYARIHAN




Nanindigan ang Malacañang na galing sa mga Pilipino ang tunay na kapangyarihan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang naging pahayag ng Palasyo sa muling pagkakasama sa pangalan ng pangulo sa Forbes magazine bilang ika-69 na pinakamapangyarihang tao sa buong mundo ngayong taon.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, maraming beses nang sinabi at kinikilala ni Pangulong Duterte na ang tunay na pinagmumulan ng kapangyarihan ng gobyerno ay ang mamamayan.



“President Rodrigo Roa Duterte has many times acknowledged that the true source of power is the people.” 

Iginiit rin ng tagapagsalita ng Pangulo na sa dalawang taong panunungkulan ni Duterte ay nagsilbi ito sa mamamayan sa pamamagitan ng pagsulong ng interes ng mga Pilipino.
“As Chief Executive for almost two years, he has faithfully served our people by promoting the interests of the Filipino people and the Filipino nation first."

Ibinida rin ni Roque ang ilan sa mga nagawa ng adminsitrasyon tulad ng anti-drug war, pro-poor policies ng administrasyon, pagkakaroon ng independent foreign policy, at iba pang programa na magpapagaan ng buhay ng mga Pilipino.
“The anti-drug war, the pursuit of an independent foreign policy, the pro-poor policies and programs of the Duterte administration among others are reflective of the current government’s advancing the welfare of the greatest number of our countrymen,” pagbibida pa ni Roque.

Samantala, naniniwala umano si Pangulong Duterte na ang presidency ay nagmumula at natatapos sa tiwala ng publiko na siyang pinagmumulan ng kapangyarihan nito.
“The Presidency, in the mind of PRRD, begins and ends with public trust where real power emanates.” 
Source: http://radyo.inquirer.net




No comments:

Post a Comment