Leni Robredo, pinabulaanan ang isyung may nobyo at ang pagiging mastermind sa pagkamatay ng asawa nito - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Sunday, May 27, 2018

Leni Robredo, pinabulaanan ang isyung may nobyo at ang pagiging mastermind sa pagkamatay ng asawa nito



Pinabulaanan ni Vice President Leni Robredo ang pagkakasangkot nito sa isyung may mga karelasyon itong kasamahan lamang sa Liberal Party kung saan sinasabing meron itong naging boyfirend na isang Congressman at iba pang mga itinuturong karelasyon nito.

Sa isang interview kay Robredo sa Facebook, sinabi niyang dalawa umano sa mga kilalang indibidwal ay nalink sa kanya.

"Mula nung namatay ang asawa ko, hindi ako nagka-boyfriend, wala akong boyfriend, at wala akong kabalak -balak mag-boyfriend,"ani Robredo.

Diritsahan nitong itinanggi ang mga naging isyu laban sa kanya sa ibang mga kasamahan nito sa partido lalolng lalo na kay QC Representative Jorge Bolet. Inamin umano ni Banal na madalas nitong nakikita ang dalawa dahil sa "political close-in" at "malapit na kaibigan" umano ito ng namayapang asawa ni Robredo.

"Every time na may nagagalit sa 'kin bubuhayin 'yon," pahayag ni Robredo.

Mariin ring itinanggi ni VP Leni ang pagiging mastermind umano nito sa pagkamatay ng kanyang asawa ang namayapang si Former Interior Secretary Jesse Robredo na matatandaang nasawi dahil sa isang plane crash noong 2012.

Sinabi ni Robredo na pawang mga gawa-gawa lamang ang mga isyu tungkol sa kanya at ito ay pawang FAKE NEWS lamang umano. Isa umanong malaking pagkakamali sa kanyang parti na hinayaan na lamang nito na kumalat ang mga fake news patungkol sa kanya dahil sa hindi nito pagsagot sa mga isyung pinupukol sa kanya.

"Ako na-realize ko yung mistake ko. I have been at the receiving end of fake news. Yung desisyon ko nung una was, 'do not dignify'. Ang iniisip ko kasi nun pag pinag aksayahan ko to ng oras, mawawala yung focus ko sa trabaho," ani Robredo.

"Yung pagpili natin na wag sumagot may mga tao talagang napapapaniwala at hindi natin sila masisisi kasi yun lang yung nakikita at nababasa nila. kaya sabi ko lately talagang pag meron na naman lumabas, talagang lalaban tayo," dagdag pa ng bise presidente.

No comments:

Post a Comment