Leni Robredo: Quo Warranto case ni CJ Sereno, laban ng buong Pilipinas! - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Wednesday, May 9, 2018

Leni Robredo: Quo Warranto case ni CJ Sereno, laban ng buong Pilipinas!





Nanawagan sa publiko si Vice President Leni Robredo na kontrahin ng lahat ang nakasampang quo warranto petition laban kay Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno.




“The quo warranto case against Chief Justice Maria Lourdes Sereno, should it succeed, can be the final blow to the ideal of justice we all depend on… The quo warranto case against the Chief Justice is not just her fight, it is our fight,” wika ni Robredo.




Photo Via philstar.com

Sinabi ng Pangalawang Pangulo na malaking banta ito sa mga institusyon na nagtatanggol sa mga tao. Dagdag pa niya, kapag nagtagumpay ang quo warranto laban kay Sereno ay posible na itong magamit na sandata laban sa mga tataliwas sa kagustuhan ng mga nakaupo sa puwesto.

“Hindi maaaring mananahimik na lamang tayo sa dilim na dulot ng mga pangyayari nitong mga nakaraang buwan. Kailangan natin isantabi ang ating takot at ipaglaban ang ating Hudikatura, dahil ito ay itinatag upang bigyang-proteksyon ang ordinaryong mamamayan, hindi upang maging sandata ng mga nasa kapangyarihan,” sabi ni Sereno sa “Free the Courts!” forum sa University of the Philippines.




Aniya, dapat isantabi ang takot at tumulong na ipaglaban ang judicial branch ng pamahalaan.




Photo Via rappler.com
Paliwanag ni Robredo, itinatag ang hudikatura upang maging proteksyon ng mga nangangailangan at hindi upang makuha ang sariling interes ng nasa posisyon.
Bilang pangalawang pangulo, maaasahan daw ng mga tao na gagawin niya ang lahat para maipagtanggol ang Konstitusyon at manaig ang batas.

“As your duly-elected Vice President, I took an oath to defend the Constitution. You can count on me to do everything in my power to right this wrong, should it ever come to pass.”

“Our nation’s path towards democracy has been fraught with dark twists and unexpectedly glorious turns, but our people has proven time and again that we will always take democracy’s side. And this is why we will not go quiet into the night. We will always fight for what is right.”




No comments:

Post a Comment