LOOK! PANGULONG DUTERTE PAIIMBESTIGAHAN ang ANOMALYA sa PHILHEALTH! - PHILIPPINE REPUBLIC NEWS

Breaking

Special Offers

Tuesday, May 8, 2018

LOOK! PANGULONG DUTERTE PAIIMBESTIGAHAN ang ANOMALYA sa PHILHEALTH!






Ipinag-utos umano ni Pangulong Duterte ang imbestigasyon ukol sa sinasabing "unjust termination of casual employees" ng PhilHealth, gayundin ang mga higit sa normal na biyahe ng Interim President nito na si Celestina Ma. Jude dela Serna.

Photo Via abs cbn news



Matatandaang naging maugong ang balita ukol sa pagkuwestiyon ng Commission on Audit sa umano'y sobra-sobrang paggasta ni Dela Cerna sa kanyang mga biyahe mula Bohol papuntang Maynila, na umano'y umabot sa halagang P627,293.04. Ayon pa sa COA, nilabag daw ni Dela Cerna ang mga gabay sa "Austerity Measures Implementation", na nagbabawal sa madalas at labis na local travels, maliban na lamang kung ito'y "urgent" at talagang kinakakailangan, upang lalong maging epektibo sa kasalukuyang work assignments.

Photo Via cnnphilippines.com

Bukod pa rito, inaakusahan din umano si Dela Cerna nang ilegal na pagapapatalsik sa may 17 casual employees, at pagbawas ng halagang P2,200 mula sa 2017 collective negotiation agreement incentive ng rank-and-file na mga empleyado ng PhilHealth.




Presidential Photos
Ayon pa kay Presidential Spokesperson Harry Roque, batid niya umano na iimbestigahan din ni Pangulong Duterte ang nasabing isyu dahil prayoridad umano ng pangulo na makapagkaloob ng "universal health care" para sa lahat. Hindi raw ito magkakaroon ng katuparan kung hindi malilinis ang hanay ng nasabing ahensiya.


SOURCE




No comments:

Post a Comment